Isang ina pinatay ng lasing na anak sa Eastern Samar

Isang lasing na lalaki sa Eastern Samar ang pinatay ang sariling ina sa loob mismo ng kanilang bahay.

TACLOBAN CITY — Patay ang isang ina matapos na saksakin siya ng sarili niyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Binogawan, San Policarpo, Eastern Samar, noon Huwebes, Hunyo 17, 2021.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, kinilala ang biktima na si Luz Ortillada, 54-anyos residente ng nasabing lugar. 
Habang ang suspek naman ay kinilalang si Jerrick Ortillada, 23-anyos.


Napag-alaman sa kanilang imbestigasyon na bigla nalang umanong lumapot ang lasing na suspek sa kanyang ina at sinaksak ito gamit ang isang kutsilyo.

Natamo ng biktima ang sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na naging resulta ng kanyang pagkamatay.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang suspek at haharapin niyo ang mga kasong isasampa laban sa kanya. —Tacloban News Update
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related