Senior highschool student sa Maasin, patay matapos magbaril sa sarili



TACLOBAN CITY- Patay ang isang señior high school student pagkatapos na magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Soro-Soro, Maasin City.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, kinilala ang bikitma na si Vince Lloyd Labastida, 18-anyos, at isang Grade 11 student sa nasabig barangay.


Sinabi naman ni PltCol. Juanito Bajar Jr, Chief of Police ng Maasing Municipal Police Station, sa naturang pahayagan na naliligo na umano ito sa kanyang sariling dugo ng dumating ang mga awtoridad.
Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, uutusan sana ang biktima ng kanyang magulang na bumili ng pansahog ngunit nagtaka sila dahil walang sumasagot at nakakandado ang kwarto ng biktima.




Dagdag pa sa kanilang imbestigasyon na namatay ang biktima gamit ang pistola ng kanyang tatay. Napag-alam rin na isang retired Philippine Army personnel ang kanyang tatay.

Narekober sa imbestigasyon ang isang suicidal note, mga guhit sa bond paper pati na rin ang .45 na pistola.


Isa naman sa nakikitang anggulko ng mga pulisya ng Maasin ang pagkakaroon ng depresyon ng biktima kaya nakuha niyang barilin ang kanyang sarili. Wala naman silang nakikitang foul play sa nangyari ayon sa ulat. —Tacloban News Update (Source: Bombo Radyo)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related