Lalaking nagalit dahil hiniwalayan ng kasintahan, nanaksak

(Imahe mula sa Toledo police.)

NEWS — Sa Toledo City, sinaksak ng kutsilyo ang likuran ng isang 25-anyos na dalaga ng kanyang dating kasintahan dahil galit na galit ito pagkatapos niya itong hiwalayan.

Ayon sa report ng Superbalita Cebu, nangyari ang insidente sa Magsaysay Hills, Barangay Poblacion, Siyudad ng Toledo noong alas 6:30 ng gabi ng Mayo 3, 2021.

Ang biktima ay kinilala ng kapulisan na si Jessierae Maceda Wabe, 25, at kasalukuyang may live-in-patner na nakatira malapit sa lugar kung saan siya sinaksak. 


Ang suspek naman ay kinilalang si Jaypee Golez Pajaron, 33, may asawa, at kapitbahay ni Wabe.

Batay sa imbestigasyon ng Toledo City Police Station, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Junnel Caadlawon na habang si Wabe ay bibili ng pagkain mula sa isang tindahan, dumating si Pajaron at biglang siyang sinaksak nito ng kutsilyo.

Related: Lalaki iniwan ng kasintahan dahil maliit ang kanyang "junior"


Sinubukan naman ni Wabe na hablutin ang kutsilyo sa suspek ngunit patuloy ang pananaksak ni Pajaron sa kanya hanggang tunusok ito at hindi na matanggal sa kanyang likuran.


Matapos saksakin si Wabe, kaagad na umalis si Pajaron habang si Wabe naman ay isinugod sa Toledo City General Hospital.

Galit na galit umano si Pajaron matapos makipaghiwalay sa kanya ni Wabe.

Naglunsad ang pulisya ng isang hot pursuit operation at alas-7: 30 ng gabi, at naaresto naman agad si Pajaron. Inihanda naman agad ang mga kaso laban sa kanya. —Tacloban News Update (Source: Superbalita Cebu)
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related