Lalaki iniwan ng kasintahan dahil maliit ang kanyang "junior"

(Labis ang pagdaramdam ng isang 33 anyos na lalaki sa Davao City pagkatapos na hiniwalayan siya ng kanyang kasintahan dahil sa kanyang maliit na "junior." Photo via Creative Commons)

ODD NEWS — Napakapait ang sinapit ng isang 33 anyos na lalaki sa Davao City pagkatapos na hiwalayan siya ng kanyang kasintahan dahil sa kanyang maliit na "junior," ay ninakawan pa umano siya ng lampas P3,000 kalakip na ang kanyang mga identification cards (IDs).

Ayon sa Sasa Police Station sa Davao City, nagpablotter umano ng Huwebes ng umaga si alyas Gerry sa kanilang prisinto at mahiya-hiya pa umano ang lalaki na kinwento ang panyayari sa kanilang desk officer.


Kinwento ni Gerry sa mga pulis ang buong panyayari kung saan ay tinangay ng kanyang kasintahan na si Marice, 30 anyos, beautician sa isang salon sa Buhangin, Davao City ang halos P3.440 na pera sa kanyang pitaka kasama na rin ang mga identification cards niya.

Diumano noong ika-dalawang araw ng kanilang pagiging magkasintahan, ay ginawa nila ang tamis ng pag-ibig sa kama at doon ay biglang nagalit si Marice sa kanya dahil sa maliit na "junior" ni Gerry.


Aminado naman si Gerry na maliit ang kanyang batuta pero labis ang kanyang pagdaramdam na kung bakit tinangay ang kanyang mga ID. Wala ng nagawa si Gerry kaya naman inireklamo niya muna si Maricel sa barangay kung saan nakatira ang dati niyang kasintahan. —Tacloban News Update (with reports from Super Balita)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related