Bag na inakalang may bomba, mga gripo lang pala ang laman

 
(Photos by Jay-Jay Petilla and Don Maceda Saldaña.)

TACLOBAN CITY — Laking pangamba ng ilang mga taga-Tacloban dahil sa bag na naiwan malapit sa isang hardware store noong Miyerkules, Marso 17. Inakalang bomba ang nasa loob ng bag kaya dali-dali namang inireport ito sa pulisya upang maimbestigahan.

Agaran dumating naman ang bomb squad ng Tacloban PNP upang kompirmahin kung ano ang laman ng bag.


Pagkalipas ng ilang oras, ay nakompirma ng mga awtoridad na hindi bomba ang laman ng nasabing bag kundi mga gripo lamang.

Tinatayang nasa benteng-piraso ng gripo ang laman ng bag na nakita sa labas ng hardware store sa Apitong Road, Tacloban City.

Ayon naman kay P/Major Marjorie Manota, tagapagsalita ng Tacloban PNP, nagpapasalamat siya sa agarang aksyon ng bomb squad pati na rin ang mga nagreport sa nasabing insidente.

"Maupay ini nga may nagre report dayon para ginkakadto dayon han aton bomb squad. (Maganda ito na may nagreport agad ng nasabing insdente kaya naman napuntahan agad sila ng bomb squad,)" paahayag ni Manota sa RMN. — Tacloban News Update

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related