Lasinggero binenta ang asawa para makabili ng alak

(Creative Commons, PxHere.)

ODD NEWS - Dahil sa pagiging lasinggero ni Pundlik Chavan ng Akola, India, ay nagawa niyang ibenta ang asawa niya kanyang kaibigan sa halagang Rs 25,000 o mahigit P16,000.

Nangyari ang insidenteng 'to noong Hunyo 2013 kung saan binenta ni Chavan ang kanyang misis na si Sangita sa mismo niyang kaibigan na si Ramesh Aasaram Walode ng Madhya Pradesh. Binili naman kaagad ng kanyang kaibigan ang asawa niya at inuwi ito sa kanila.


Subalit nalaman ng kapatid ni Sangita ang ginawa ni Chavan, kaya agad naman ito nagsumbong sa lokal na polisya isang buwan matapos ang naganap na bilihan. Agad naman inaresto ng mga pulis si Chavan.

Subalit ang ginawa ni Pundlik ay nalaman ng kapatid ni Sangita at nagsumbong sa mga pulis. Agad inaresto ng mga pulis si Pundlik at sinampahan ng kaso. Ayon pa sa news report, inaresto din ng mga pulis si Walode.


Ngunit sa di inaasahang pangyayari, ay sinabi ni Sangita sa harap ng mga pulis at sa kapatid niya na nagmamahalan sila ni Ganesh at sa katunayan ay mag-asawa na sila. Napamahal na di umano siya sa kanya mula ng bilhin siya kay Chava. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related