Senior citizen sa Cebu inatake sa puso, patay, pagkatapos romansahin ang 28-anyos na kabit

(Creative Commons, Pixnio)


CEBU CITY - Patay ang isang 64-taong-gulang na lalaki matapos itong atakihin sa puso habang nakikipag-romansa sa sinasabing kabit nito sa Brgy. Poblacion sa Compostela, Cebu.


Kinilala ang biktima na si Inocencio Cabahug, may asawa, isang retiradong empleyado ng gobyerno, at residente ng Brgy. Bayan ng Jugan sa Consolacion.


Ayon sa pinuno ng Compostela PNP na si PCapt. Vincent Zozobrado, nag-check-in ang senior citizen kasama ang isang 28-taong-gulang na "kalaguyo" sa isang beach resort sa nasabing bayan.

Related: Mister kulong ng mahuli ni misis sa akto kasama ang 17-anyos na kabit


Ipinaliwanag ni Zozobrado na nang nag-init ang dalawa at nasabik sa kanilang pag-mamahalan, biglang inatake at bumagsak ang senior citizen.


Mabilis na humingi ng tulong ang "kalaguyo" at agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit namatay at idineklarang patay ng dumating ito.

Ayon sa kanilang medikal na bulletin, namatay si Cabahug sa atake sa puso. Nalaman rin na meron na itong dating problema sa puso.

Related: Asawa nagtago sa kisame ng isang motel upang di mahuli ng mister na may kalaguyo siya

Lalaki naglakbay ng 2,400 km para surprisahin ang nobya, ngunit nahuli niyang may kalaguyo ito



Pinaglalamayan ngayon ng pamilya ang bangkay ng señior citizen habang ang "kalaguyo" nito ay laking gulat pa rin sa nangyaring insidente. Tacloban News Update
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related