Lalaki naglakbay ng 2,400 km para surprisahin ang nobya, ngunit nahuli niyang may kalaguyo ito

(Nahuli sa akto ng isang lalaki sa Tsina ang mismong kasintahan nito na may kalandian na iba. Ayon sa report, naglakbay pa ang lalaki ng 2,400 km para lang sorpresahin ang kanyang nobya suot ang isang bear mascot. Screengrab from Youtube.)

VIRAL — Mangiyak ngiyak ang isang lalaki sa Tsina pagkatapos na mahuli niyang may kalaguyo ang kanyang nobya noong sinubukan niya itong sorpresahin. 

Ayon sa report ng MotherShip.sg, naglakbay pa ng 2,400 kilometro ang nasabing lalaki para lamang makita ang kanyang sinisinta na suot ang kanyang  bear mascot.


Naunang na itanghal ang kwento sa social media site na Twitter sa pamamagitan ng user na si  @T_Radiosonde, kung saan i-pinost niya ang nasabing larawan mula sa Chinese-social media app na Weibo.

Ayon sa kanya ang nasaing lalaki ay susurpresahin sana ang kanyang nobya, ngunit siya ang nasorpresa ng makita niyang may nakayakap na ibang lalaki sa kanya.

Dahil sa gulat, natulala lamang ang lalaki habang tinitigan ang dalawa at doon naman napansin ng babae na nahbuli siya ng kanyang karelasyon. 

Habang lumayo ang lalaki sa kanila, ay agad naman niyang ito hinabol ngunit huli na ang lahat at kahit anong yakap pa ang ginawa niya ay tuluyan ng lumayo ang damdamin ng lalaki sa kanya.


Tignan ang kabuuang pangyayari dito:


Siyempre, mayroon ding posibilidad na ang buong pangyayari ay isang palabas lamang at hindi naman talaga totoo. Sa ngayon ay wala ng balita sa dalawa at kung binalikan ba ng lalaki ang kanyang nobya. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related