Mister kulong ng mahuli ni misis sa akto kasama ang 17-anyos na kabit

(Sa Naga City, Cebu, huli sa akto ng isang misis ang kanyang 41-anyos na asawa na may ginagawang kababalaghan kasama ang kabit na 17-anyos na isang half-Japanese. Photo from Naga City Police Station)

NEWS — Isang 41-taong-gulang ang nahuli ng kanyang misis na may kaluguyong menor de edad ang inaresto ng awtoridad sa syudad ng Naga, Probinsya ng Cebu kahapon.

Dinakip ng pulisya sa hot pursuit operation si Enefer Vedal, residente sa katabing bayan ng Minglanilla, at ang 17 taong gulang na batang babae na half-Japanese na residente ng Barangay Tuyan sa nasabing lungsod.


Sa isinagawang imbestigasyon, ay nahuli si Vedal ng kanyang asawa na may ginagawang kababalaghan kasama ang menor de edad sa bahay ng kanyang hipag noong alas-5 ng umaga sa Barangay, Inayagan, syudad ng Naga.

Humingi naman agad ng siya tulong sa pulisya para maaresto ang dalawa. 

Dumalo umano si Vedal sa isang pagdiriwang noong Lunes ng gabi kung saan natulog siya sa bahay ng kanyang kapatid kasama ang menor de edad.


Nakatanggap naman ang kanyang asawa ng balita na may kinakasamang dalaga ang mister niya kaya nagtungo agad  siya sa nasabing lugar upang mahuli ang dalawa at malaman ang katotohanan.

Si Vedal ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng pulisya. Haharap siya sa kasong paglabag sa Article 334 o Concubinage sa ilalim ng Revised Penal Code.

Ang menor de edad naman ay nai-turn over sa Youth Holding Center ng lungsod. Tacloban News Update

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related