Kambal na baby, pinapakain lamang ng dinurog na saging

(Screengrab from Facebook.)

PANAWAGAN -- Nananawagan ngayon ang isang netizen na mabigyan ng gatas ang kambal na baby sapagkat dinurog lang na saging ang pinapakain sa kanila.

Ayon sa nagmalasakit na netizen na si Joy Ruth Mallari Cortes, hindi na nakaka-pagproduce ng gatas ang nanay ng kambal kaya inaasa nalang niya sa saging ang pagkain nila.

Sa ngayon, ay kinupkop ang mag-ina ng isang concerned citizen dahil sa binaha sila at walang ari-arian na nasalba, dagdag pa ni Mallari sa post niya.


Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil...

Posted by Joy Ruth Mallari Cortes on Thursday, November 19, 2020

Umani naman ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Mallari kung saan ay nalungkot sila sa kalagayan ng mag-ina. Ang iba naman sa kanila ay hinihingi na matulungan sila ni Raffy Tulfo at sinasabi na baka ano ang mangyari sa bata sapagkat hindi pa sila pwede pakainin ng ‘solid foods.’

Narito ang ilan sa komento ng mga netizen:

"Kawawa naman ang mga bata hindi pa nila kaya ang saging mahihirapan sila 🥺"

“ala hnd pwede sa sanggol yan huhu sana naman may mabubuting puso na may kaya ang tumulong kay mommy and baby kasi kng mayaman lang ako tutulungan ko sila kaso mahirap lang den ako nasa hospital pa anak ko😭 sana ok lang si baby.”

“May 2months bby rin ako pag nkkita ko baby mo mommy nassktan ako 😢 pahingi po ako number or gcash kaht gatas lang ibigay ko muna 😢"

Sa ngayon, ay humihingi pa rin ng tulong para sa kanila ang nasabing netizen. iTacloban
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

1 Comments

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related