Magkasintahan sa Calbayog City, magkahiwalay na natagpuang patay

Hustisya ngayon ang hinihingi ng pamilya ng magkasintahan pagkatapos sa karumal-dumal na pagpatay sa dalawa sa Calbayog City. Photo: Northern Samar News Udpates/Facebook

TACLOBAN CITY – Magkahiwalay na natagpuang patay ang isang magkasintahan sa Calbayog City. Unang natagpuan nitong Martes ng umaga, Hunyo 14, ang bangkay ng lalaki sa isang bahagi ng Diversion Road sa Barangay San Policarpo sa nasabing syudad.

Sunod naman na natagpuan ang kanyang kasintahan na unang napaulat na nawawala sa madamong bahagi ng isang establisyimento pasado alas-9 ng gabi.

Ayon sa ulat ng Infinite Radio Calbayog, kinilala ang mga biktima na sina Jade Andre Bestudio, 20-anyos, college student, residente ng Barangay Hamorawon at si Roan Jeallen Lamparas, secondary school teacher sa Calbayog City National High School.

Hinihinala ng mga awtoridad na ginahasa ang dalaga dahil walang saplot pang-ibaba ng matagpuan ito.


Lunes ng gabi, Hunyo 13, nang huli makitang buhay ang magkasintahan sa isang pharmacy store sa Magsaysay Boulevard ng syudad.

Sa panayam naman ng lokal na pahayagan sa ama ng biktimang si Lamparas, sinabi nito sa kanila na tatalong bese na may tumawag sa kaniyang telepono ngunit hindi nila alam kung kanino ito. Dagdag pa niya, sinuubukan nilang tawagan ang numero ngunit hindi na ito makontak.

Agad namang nag-alok ng pabuya na P20,000 pesos ang City Councilor-elect Jessie Gianan sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek. Dagdagan pa umano niya ang pabuya pag-mahuli ang mga sarili.

Nag-alok din si Mayor-elect Raymund “Monmon” Uy ng malaking pabuya sa sa makakapagturo sa mga suspek sa karumal-dumal na pangyayari.

Sa ngayon ay hustisya ang hinhingi ng pamilya ng magkasintahan. —iTacloban (Source: Infinite Radio Calbayog)
iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post