Tatlong magkakapatid sa Villareal, Samar patay dahil sa pagkain ng butete

Patay ang tatlong magkakapatid na nasa edad 11, 9 at 6 sa Vilalreal, Samar pagkatapos na kumain ng butete o puffer fish. Photo by DJ RJ Rene Castino/Facebook.

TACLOBAN CITY — Patay ang tatlong magkakapatid sa Barangay Hambayan, Villareal, Samar noong Lunes, Mayo 24, 2021 dahil sa pagkain ng butete.

Ang magkakapatid ay nag-eedad ng 11, 9 at 6, ayon sa ulat ng Villareal PNP.


Base naman sa kanilang imbestigasyon, kinompirma ng kanilang lolo na kumain ang tatlong bata ng butete at sa pagsapit ng gabi ay ininda nila ang pananakit ng kanilang mga tiyan. 

Hindi nagtagal ay namatay ang tatlong magkapatid.



Linibing na ang kawawang mga bata noong Miyerkules, May0 26, 2021.

Inuulit naman ng Bureau of Fishieres and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang babala na delikado ang pagkain ng mga butete sapagkat nakakalason ang mga ito. —Tacloban News Update (Source: Samar Today)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related