Lalaking nakitang patay, bumangon at nagsabing "IT'S A PRANK" sa rescuers, arestado?

Arestado umano ang isang lalaking nagkunwaring patay ngunit bumangon at nagsabing "IT'S A PRANK," sa mga rescuers na tutulong sana sa kanya. Imahe mula sa Facebook/Radyo Bandera)

VIRAL — Sa isang Facebook post, diumano ay may nakitang patay na katawan ng isang lalaki sa isang baybayin ng Negros. Natakot naman daw ang mga residente kaya agad silang tumawag at humingi ng tulong sa isang rescue team upang masuri nila ito at madala sa ospital.

Agad naman raw na rumesponde ang rescue team sa Negros at nang ikakaraga na nila ang katawan ng lalaki sa stretcher ay nagulat ang lahat dahil bigla umanong sumigaw ito ng "IT'S A PRANK."


Tumakbo naman daw agad palayo ang nasabing lalaki para takasan sila na ikinabadtip naman ng lahat.

Ayon pa sa naturang post, nainis umano ang mga residente kaya hinabol nila ito kasama na ang ibang miyembro. Nahuli naman nila ang lalaki at agad naman itong  kinulong dahil sa kanyang prank na madami ang naperwisyo.


Ngunit napag-alaman ng iTacloban.com na ang nasabing viral post ay wala naman palang katotohanan.

Dahil ang nasabing lalaki ay lasing lang pala, ayon sa Radyo Bandera. Marso pa nangyari ang nasabing insidente kung saan ay iniwan ang lalaki ng kanyang mga kasama na naging rason para makatulog ito sa gilid ng baybayin. 



Pinauwi naman umano siya kaagad ng mga rescuers na rumesponde. —Tacloban News Update
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related