VIRAL: Simpleng birthday party ng magkakapatid para sa kanilang ama, hinangaan ng mga netizens


VIRAL— Hinangaan ng mga netizen ang surpresa ng magkakapatid sa Batangas City para sa kaarawan ng kanilang ama.  

Kahit kapos man ay nagawan ng paraan ng magkakapatid para mabigyan ng kulay ang kaarawan ng kanilang minamahal na ama kung saan ay gumawa sila ng mga lobo gamit ang mga cellophane.


Ayon sa Facebook post ni Melody Silang na kapitbahay ng magkakapatid ay lubha daw na nakakamangha ang ginawa nila dahil kahit mahirap lamang ang buhay nila ay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama. 

Nakakatatsss nmn ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan...

Posted by Melody Silang on Sunday, April 4, 2021
Dagdag pa niya na ang plano daw nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nasa trabaho pa ito. Nakakataba diumano ng puso ang ganitong mga eksena sakadahilanang walang perang pambili ng lobo ay gumawa sila n ito gamit ang cellophane at sinulatan ng 'Happy Birthday Papa.'


Ayon naman kay Silang, gumawa pa umano ang magkakapatid ng cake mula sa itlog.

Posted by Melody Silang on Wednesday, April 7, 2021

Sa ngayon ay umani ng napakaraming reaksyon ang naturang post kung saan merong itong 117, 000 reactions, 56,000 shares at mahigit 2,800 na mga comments.


Dahil din sa naturang post ni Silang ay marami ang nagbigay na pang-handa para sa nasabing pamilya. Umani din naman ito ng papuri sa mga netizen. — Tacloban News Update/Viral
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related