Kambing sa Davao City pinaniniwalaang ginahasa

(Photo representation only via Creative Commons/Pixabay)

ODD — Noong nagdaang mga linggo lamang ay nabalita sa Barangay Talomo River, Calinan District Davao City ang reklamo ng isang residente dahil sa paghihinalang hinalay ang kanyang alagang kambing.


Labis ang galit ng nasabing residente dahil nung bukang liwayway ng Marso 16 ay nakita niyang nakatali ang paa ng kambing sa leeg nito.

Nakita rin niya na namamaga na ang ari ng  nasabing kambing at doon ay pinaghinilaan niya na may ginawang kababalaghan sa alaga niya.


Sa kanyang Facebook post, ay labis ang galit ni alyas Mario at pinakita pa niya ang maselan parte ng kambing at naniniwala siyang ginahasa ang kanilang alaga.

Hindi naman daw niya inaasahan na may mangyayaring ganito sa alaga niya. Iniimbestigahan naman ng Calinan Police Station ang nasabing pangyayari. — Tacloban News Update/Odd News (Source: Bombo Radyo Davao)
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related