VIRAL: Delivery rider kinain ang food order para sa isang babae pagkatapos na tanggihan ito


(Ayon sa food delivery rider hindi umobra ang panunuyo ng isang lalaking kustomer dahil tinanggihan ng babae ang sorpresang food order nito sa kanya. Sa halip ay pinakain nalang ito sa kanya. Photo for representation purposes only.)


VIRAL — Trending ngayon ang isang food delivery rider pagkatapos na magviral ang post nito kung saan sinabi niya na kinain niya ang pagkain na order sana para sa isang babae pagkatapos na tanggihan ito.

Ayon kay Ezer Ocampo, na nagtratrabaho bilang isang delivery rider sa isang sikat na fast-food chain, ang food order na breakfast meal ay sorpresa sana ng isang lalaking kustomer sa nasabing babae ngunit tinanggihan niya ito sapagkat hindi daw siya umorder online.


Dagdag pa ni Ocampo, sinabi niya sa babae na binayaran na ang nasabing order ng ngunit sinabihan lang siya na huwag na daw ito ideliver at sa halip kainin nalang niya ito.

Naniniwala ang food delivery rider sa kanyang post na sinusuyo ng nasabing kustomer ang babae ngunit hindi naman ito napagbigyan.



Ako: Goodmorning po sa mcdo delivery po asked lng po landmark ng address nil Cs: Wala po ako order sir Ako: mam paid na...

Posted by Ezer Ocampo Rubinas on Wednesday, April 7, 2021

“Mukha inaamo si madam ng BF nya kaso hindi umubra hehehe,” pahayag ni Ocampo sa kanyang post, na kinagiliwan naman ng napakaraming netizen. 


Sa ngayon ay meron na itong mahigit 70, 000 reaksyon, 27, 000 shares at higit na 5, 000 komento sa mga netizen. — Tacloban News Update/Viral
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related