Babaeng sinorpresa ang nobyong nasa kulungan, kinaantig ng puso ng mga netizens

(Screencap from KMJS)

VIRAL — Trending ngayon ang love story ng magkasintahan na sila Lou at Jason dahil itinampok ang kwento nila sa hit magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho. Sa kanilang 8th anniversary, sinorpresa ni Lou ang kanyang karelasyon na si Jason--kahit pa nahaharangan sila ng mataas na pader at rehas.

Ayon kay Lou, dahil mag-aaniversary na umano sila para sa kanilang ika-walong taon ng pagiging magkasitahan ay gusto niya maging espesyal ang araw na yun kaya naman raw ay pinaghandaan niya ito ng husto.


Simula daw kasi noong Enero, noong nagkaroon sila ng kaso ng COVID ay pinagbawalan na sila Jason, na kasakuluyang nakakulong, na makipagvideo call at phone call sa kanya.

Kaya noong anniversary nila, ay gusto niyang iparamdam sa kanya na hindi siya nagbabago. "Yung pagmamahal ko sa kanya, ganoon pa rin, kahit nasa kulungan siya," sabi ni Lou sa programang KMJS.


May mga nagsasabi raw sa kanya na iwan na niya si Jason dahil nakakulong at maghanap nalang daw ng iba ngunit mahal na mahal niya ang kanyang nobyo at hinding-hindi niya ito ipagpalit kahit kanino.

Kinilig naman ang mga netizen sa kwento ng dalawa, ayon kay Beng Talino, "Ang pag-ibig nga naman. Kung totoong mahal mo ang isang tao, di yan magbabago. Kahit sino pa ang mga hadlang o pangyayari,   hindi yan magbabago. Kaya si boy [Jason], magpakabait ka at tuloy lang sa buhay. Huwag susuko..Laban lang sa buhay dahil andiyan lang si girl [Lou] at mahal ka pa rin niya kahit nasa kulongan ka. Yan ang tunay na pag-ibig."

Sa ngayon ay meron ng 264,000 reactions, 9,300 comments at 28,000 shares ang nasabing video.


Panoorin dito ang video:


—Tacloban News Update/Viral

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related