VIRAL: Online seller, binugbog umano ng buyer dahil sa pag-aakalang motorsiklo ang binebenta

 
(Screengrab form Ejerson Pendre via Facebook.)

VIRAL — Viral ngayon ang isang Facebook post ng isang online seller na binugbug umano ng kanyang buyer dahil sa pag-aakalang isang motorskilo ang kanyang binebenta sa halagang  P10,000 — ngunit isa lang pala itong customized bike.

Sa post ng netizen na si Ejerson Mayor Pendre, sinabi nya na nakipagmeet-up umano ang buyer sa kanya para makita ang nasabing motorsiklo ngunit binugbug naman siya agad pagkatapos na malaman na hindi motorskilo ang kanyang binebenta.


Sa unang tingin nga naman, ay maiisip mo na isang motorsiklo ang binebenta ni Pendre at matutukso ka naman sa napakamurang presyo at sa magandang kondisyon nito. Agad-agad umano na nag-mensahe sa kanya ang buyer para makipag-meet-up sa kanya.

Tignan dito ang naturang post:

shoutout kay kuya na nakipagMeet up para bugbugin aqoh

Posted by Ejerson Mayor Pendre on Tuesday, March 9, 2021

Sa ngayon ay meron ng 11,000 na mga reaksyon at 35,000 na shares ang nasabing post ni Pendre.


Mababasa naman sa mga comment na tila gawa-gawa lamang ang nasabing pangyayari at sa pananaliksik na rin ng iTacloban, ang mga larawan na ginamit ni Pendre ay makikita sa iba't-ibang meme page kabilang na ang nasa ibaba:


 

PA MINE NALANG SA MAY MGA GUSTO LANG WALANG SAPILITAN

Posted by Thai stance modified concept on Thursday, February 18, 2021

Ngunit kinagigiliwan naman ang kanyang post dahil nga sa kakwelahan nito na nakakapagbigay saya sa mga tao.—Tacloban News Update

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related