Classroom ginawang motel noong Valentines Day, teacher galit na galit

(Nabigla ang teacher na si May Jaica Hecto ng Fatima Elementary School, Dulag, Leyte ng makita niyang may tila bang gumawa ng milagro sa loob ng kanyang classroom. Photo by Hecto.)

NEWSBITES — Galit na galit ang isang guro sa Dulag, Leyte dahil sa ginawang motel ang kanyang classroom noong Valentines Day.

Nagulat si teacher May Jaica Hecto ng buksan niya ang kanyang classroom sa Fatima Elementary School, Dulag, Leyte pagkatapos na magtaka na may bahaging sira ang bintana ng nasabing classroom.
At mas nagulat siya nang makitang ginawang banig ang visual materials niya na manila paper.


Kaya nasigurado niyang may gumawa nga ng milagro doon noong Araw ng mga Puso.

"Magdi-disinfect talaga ako mamaya, parang nanayo balahibo ko. Pinasok ang classroom ko ng mga wala sa tamang isip. Nag-iwan pa kayo ng ebidensiya sa kabastusang ginawa niyo"-post ni Teacher Hecto.


Ayon pa kay Teacher Hecto, ang dami naman ng pwedeng pagpuntahan pero ba't sa classroom pa niya na bagong linis pa lamang. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related