Relationship Goals? Magkasintahan inaresto dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo ng isang tanod

(Inaresto ang isang magkasintahan na kapwa menor de edad sa Dumaguete City pagkatapos na magnakaw ng motorsiklo na pagmamay-ari ng isang tanod. Photo by Libby Villanueva.)

NEWSBITES — Dinakip ng mga lokal na otoridad noong Huwebes ang isang magkasintahan na kapwa menor de edad, matapos silang mahuli na sakay sa ninakaw nilang motorsiklo na pagmamay-ari ng isang barangay tanod sa Tanjay City.

Ang batang lalaki, 17, at batang babae, 16, ay pinahinto ng mga tanos sa Cadawinonan,Dumaguete City pagkatapos na makita silang dawala na nakasakay sa ninakaw na motorsiklo.


Ayon sa tanod ng Brgy. Cadawinonan na si Libby Villanueva, ang 17-taong-gulang na batang lalaki ay nagmula sa nasabing barangay, habang ang kasintahan ay nakatira sa Azagra, Tanjay City.

Ninakaw umano ng dalawa ang motorsiklo sa Tanjay at minaneho ito papunta sa Dumaguete kung saan nahuli silang dalawa.


Dagdag pa ni Villanueva, na inamin ng mga suspek na ninakaw nila ang motorsiklo, ngunit wala na itong plaka ng binalik nila sa otoridad.

Napag-alaman ng tanod s  kanyang mga kakilala, na ang babae ay may kasaysayan na sa pagnanakaw ng mga motorsiklo. Sa kahulihulihan, ay pinakawalan naman ang dalawa. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related