2-taong gulang na bata binaril sa Syudad ng Calbayog

(Wikimedia Commons.)

CALBAYOG - Isang insidente nanaman ng pamamaril ang nangyari sa syudad ng Calbayog pagkatapos na patayin ang isang negosyante sa Tinambacan District, isang linggo na ang nakakaraan.

Ayon sa report, isang shooting incident ang naganap sa isang bahay sa Calbayog kung saan binaril ang isang dalawang taong gulang na bata.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Carayman sa syudad ng Calbayog at ayon sa inisyal na imbestigasyon, pumasok umano ang suspek sa bahay ng isang mag-ina.


Dagdag pa sa nasabing report, ang suspek na kinilalang si Joel Tarrenas, 37, residente ng Brgy Ginbaoyan, ay pumasok sa isang bahay sa Brgy Carayman.

Sa sandaling iyon, ang bata at ang kanyang ina ay nasa loob ng bahay. Si Tarrenas na pinaniniwalaang lasing sa oras na iyon, ay hinablot nito ang kanyang baril at tinutok sa mag-iina.

Sinubukan naman ng ina ng biktima na hadlangan ang plano ng suspek ngunit nagawa niya pa rin itong ipapaputok sa kanila kung saan tinamaan ang bata sa kanyang kaliwang tainga.


Agad namang dinala sa ospital ang bata para gamutin habang ang suspek naman ay sinubukan pang tumakas ngunit ay nahuli pa rin siya ng kapulisan. Sa ngayon ay nasa bilangguan na ang suspek at haharapin ang mga kaso kontra sa kanya.

Wala namang ibang pahayag ang mga otoridad sa motibo ng nasabing krimen. iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related