Titser nagbigti dahil nahirapan sa module

(Pixabay, Creative Commons)

Nagbigti ang isang lalaking guro sa Bangar, La Union pagkatapos umanong mahirapan sa paghahanda ng mga learning modules para sa kanyang mga estudyante sa isang pampublikong paaralan.

Ayon sa police report ng Bangar Police Station (BPS), ang biktimang nasa 30-anyos ay natagpuan na nakabitin gamit ang lubid sa loob ng kanyang kwarto banda alas-7:30 ng umaga.

Bago naman nangyari ang insidente, ay nakipagvideo call pa ang naturang guro sa kanyang asawa at sinabi ang kanyang hinaing patungkol sa mga learning modules na hinahanda niya para sa kanyang mga estudyante.

Ayon naman sa kanyang mga kamag-anak, inirereklamo daw ng titser ang nasabing modules dahil hindi umano pare-pareho ang nailagay sa module na galing sa Department of Education (DepEd).

Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng biktima. iTacloban

iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related