VIRAL: Netizen naantig sa kwento ng tatlong manggagawa na inabot ng 30 minuto sa loob ng isang ATM booth

 

(Public photo by Vinia Buena, Facebook)

VIRAL - Ikinaantig ng isang netizen, na si Vinia Buena, ang kwento ng tatlong manggawa na nag-withdraw ng kanilang Christmas bonus sa isang ATM .

Sinabi ng uploader na hinintay niya matapos sila sa pagwiwithdraw na umabot pa ng 30 minuto sa loob ng ATM booth.

“Imbis na mabwisit ako dahil halos 30 minuto na ako naghihintay sa pila, natuwa ako habang naririnig ko sila:

"Tagal ko hinintay‘ to pare, may pambili na bagong sapatos anak ko. "

"Uy nakakuha ako ng 2,000 dami namin mabibiling handa neto."

"Bait ni boss binigyan tayo bonus."

"Text ko pa nga misis gusto ko nun spaghetti sa pasko eh," 

Matapos marinig ang usapan ng tatlong kalalakihan, sinabi ni Buena na masaya siya nang malaman na nagpapasalamat sila sa dami ng natanggap nilang Pasko mula sa kumpanyang pinagtatrabaho nila.

“Hindi sila nagreklamo, instead, inappreciate nila and inisip pa din na this are blessings. Hindi tulad ng iba, ‘pag binigyan mo ng pandesal, gusto pa burger,” sabi niya.

"Magpasalamat sa iyong natanggap. Hindi lahat nakakakuha ng kung anong meron ka ngayon, ”dagdag pa niya. iTacloban


iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related