Isang ama sa Northern Samar, sinunog ang sariling bahay; dalawang anak nadamay



CATARMAN, Northern Samar  — Kagimbal-gimbal ang nangyari sa dalawang bata sa Catarman, Northern Samar dahil nadamay ang dalawa sa pag-aamok ng kanilang ama na humantong sa pagsunog ng kanilang bahay.

Ayon sa isang report, natutulog ang dalawang bata na nasa edad na 16 at 17 anyos ng mangyari ito kaninang madaling araw ng Biyernes, Nobyembre 27, 2020.


Ang suspek na si Fernando Ford Frigilliana, 39-anyos ay nadakip ng Catarman Police pagkatapos ng pangyayari. Sinasabi na ang naturang ama ay walang trabaho at pinagkakakitaan.

Hindi nabanggit sa naturang report kung ano ang dahilan kung bakit niya nagawa ang nakakapangilabot na pangyayari, lalo na sa kanyang dalawang anak.


Sinabi naman ni Señior Fire Officer 2 Ruben Calumpiano na nakuha niya ang gas na ginamit niya sa pagsunog sa isang naka-park na tricycle.

Dagdag pa niya, isa namang kamag-anak ng suspek ang nasugatan dahil sa pangyayaring na ikinasawi ng dalawang bata. Nakuha naman ang labi ng dalawa sa nasunog na bahay. 


Nasa kustudiya na ng Catarman police ang naturang suspek at na-examin na kung gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari. —Tacloban News Update
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related