Lalaki sa Carcar City, Cebu inaresto pagkatapos tumae sa swimming pool

Arestado ang isang 20-anyos na lalaki sa Carcar City, Cebu pagkatapos na tumae ito sa isang swimming pool. Photo via CDN Digital/Facebook

Isang 20-year old collegiate basketball player ang inaresto ng pulisya sa Carcar City noong Biyernes, Abril 22, dahil sa malisyosong kalokohan.

Ayon sa ulat ng CDN Digital, kinilala ang suspek bilang si Dilcer Gaviola, na taga Barangay Can-asujan, Carcar City.

Inakusahan din umano siya na nagdulot ng mahigit P50,000 halaga ng pinsala sa isang eco farm sa lungsod na ito sa southern Cebu, ayon kay Police Lieutenant Colonel Ardiolete Cabagnot.


Sinabi ni Cabagnot, na siyang office-in-charge ng Carcar City Police Station, na si Gaviola, na tila lasing, ay nahuli rin ng on duty life guard na tumatae sa swimming pool ng resort. (Source: CDN Digital)
Taklub.com

The Philippines' newest information hub, www.taklub.com, provides the most recent news, trends, and updates.

Post a Comment

Previous Post Next Post