Lalaki sa Ormoc, linaro si junjun sa harap ng tindahan


(Imahe mula kay Mary Rose Taneo.)

NEWS — Hindi makapaniwala ang isang dalagita sa Ormoc City sa ginawa ng isang lalaki sa harapan niya mismo. Dahil linaro nito ang kanyang pagkalalaki habang siya ay nasa kanilang tindahan.

Ayon sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mary Rose Taneo na nangyari ito noong Linggo ng umaga, Araw ng mga Ina, Mayo 9,  sa kanilang tindahan sa Purok 5, Barangay Linao, Ormoc City. 


"Palihog, kung kinsa may naka familiar aning tawhana ug residente man gani ni siya sa ORMOC pls. Report ASAP. (Mangyaring kung  sinuman ang nakakapamilyar sa taong ito at kung residente ba siya ng Ormoc ay pakireport please. Asap.)" Sabi ni Taneo sa kanyang post.

THIS POST IS TO INFORM AND GIVE AWARENESS TO EVERYONE THAT THIS KIND OF BEHAVIOR SHOULD NOT BE TOLERATED ❗❗ Palihog,...

Posted by Maryrose S. Taneo on Saturday, May 8, 2021


Natakot daw siya sa pangyayari dahil sinubukan pa umanong pumasok ng lalaki sa loob ng kanilang tindahan at dahil doon ay naisipan niyang kunan ng litrato at bidyu ang naturang lalaki.

"[May ginawa siyang kababalaghan] ni siya atubangan sa amoang tindahan diri sa BRGY. LINAO mga around 9-10 am. BASTOS kaayu. I'm now at my legal age and I'm educated about that matter but still, by just witnessing those things by myself, I was traumatized. 


(May ginawa siyang kababalghan sa harapan ng aming tindahan dito sa Brgy. Linao mga 9-10 am ng umaga. Nakakabastos! Nasa legal na edad na ako at edukado sa mga bagay na tulad nito pero nang maranasan ko ito mismo, natrauma ako!" Sabi ni Taneo.
  
"What more kung sa mga minors to| Na timingan na ako ra usa, I know He was planning to enter, that is why I started taking pictures and video some part sa iyang gibuhat na kabastosan kay wala na record kay nalisang ug nahadlok nako. 

Related: Dalawang bagong modus ng mga kawatan sa Tacloban City, ibinahagi ng mga netizen



(Paano nalang kung sa mga menor de edad ito nangyari! Na-timing pa na ako lang isa [dito sa amin] at alam ko na pliplano niyang pumasok kaya kinuhanan ko siya ng mga piktyur at bidyu sa ginagawa niyang kabastusan ngunit hindi ko na ito narecord lahat dahil kinalabutan ako!" dagdag ni Taneo sa kanyang post.

Ayon naman sa report ng Ormoc News, ay lumapit na si Taneo sa lokal na programang Krusada para humingi ng tulong at mahuli ang lalaking suspek. Nakipag-coordinate naman daw agad sila sa kapulisan para sa pagkakakilanlan nito.  —Tacloban News Update/Viral (Source: Ormoc News/Mary Rose Taneo)
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related