Gurong nahanap ang 'forever' sa isang checkpoint, pinakasalan ang pulis na sumita sa kanya

(Nahanap ni Teacher Clarise Jao ang kanyang 'forever' sa isang checkpoint pagkatapos na pinakasalan niya si Policeman Moh Amir Cruz Saddaramil na sumita sa kanya. Imahe mula sa Facebook/Buhay Lespu) 

Sadya nga naman talagang mapaglaro ang tadhana dahil natagpuan ng isang guro ang kanyang "forever" sa katauhan ng isang pulis na sumita sa kanya sa isang checkpoint.

Sa Facebook page na Buhay Lespu ay namangha ang mga netizens sa love story ng dalawa. Ayon sa kwento, habang nakasakay si Teacher Clarise Lazaro Jao sa kanyang motor ay sinita siya ng isang nagpapatrolyang pulis.

Sinasagawa noon ng mga pulis ang "Oplan Sita" kung saan ay sinisata nila ang mga motorcycle riders para inspeksyonin ang kanilang motorsiklo.


Nang makita umano ni policeman Moh Amir Cruz Saddaramil si Teacher Clarise, ay nalove at first sight daw siya sa kanya at agad naman niyang tinandaan ang pangalan ng guro para hanapin sa Facebook.

Ayon kay Teacher Clarisse, "Na meet ko siya sa Oplan Sita dahil nga nagmomotor din ako then ayun hinanap niya name ko sa Facebook.”


(Ibinahagi ni Teacher Clarisse ang larawan ng pagsita ni Saddaramil sa kanya. Imahe mula sa Facebook/Buhay Lespu.)

Nagulat ang guro ngunit nagalak kalaunan. Dagdag pa niya, "Hindi ko akalain tinandaan niya talaga pangalan ko, laking gulat ko nung ni-add niya ako sa Facebook syempre ako din naman natuwa!”

Binahagi pa niya ang larawan kung saan ay nahuli siya ng kanyang future husband. Sinabi niya, “Ayan yung actual picture talaga na nasita ako kase kailangan nila i-comply lahat ng ginagawa nila tapos ako yung kauna-unahang na checkpoint.”


Idinagdag niya na habang siya ay nadismaya sa una, may dahilan naman daw kung bakit nangyari ang insidente. Totoo nga naman dahil kung wala ang insidenteng yun ay hindi nila makikilala ang isa't-isa at magkakapalitan ng "I do's."


Kinasal sina Teacher Clarise Lazaro Jao at policeman Moh Amir Cruz Saddaramil noong Enero 8, 2019.

(Masayang kinasal ang dalawa noong 2019. Imahe mula sa Facebook/Buhay LesPu)


Sinulat naman ni Saddaramil ang nakakakilig na mensahe niya sa kanyang asawa, “You changed my life without even trying and I don’t think I can ever tell you how much you mean to me. I can’t imagine what things would be like if I hadn’t met you. I love you babe.”

Ang kanilang istorya ay naging viral kung saan ay nagtamo ito ng napakaraming reaksyon mula sa mga kinilig na netizens. — Tacloban News Update/Viral
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related