15-anyos na dalagita ginahasa ng lalaking nakilala niya sa Facebook

Isang 15-anyos na dalagita ang ginahasa ng lalaking nakilala niya lamang sa Facebook. Ayon sa ulat, inalok umano siya nito ng car-a-rent service ngunit may masama pala itong balak sa kanya. Imahe para sa representsayon lamang.

NEWS — Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad mula sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo 13 sa West Avenue, Quezon City dahil sa panggagahasa umano nito sa isang 15-anyos na dalagita.


Nakilala ng dalagita ang suspek na si Richard Rana Castino sa Facebook pagkatapos na alukin siya nito sa kanyang rent-a-car service. 


Ayon sa ulat ng Anti-Organized and Transnational Crime Division ng NBI, humingi umano ng tulong ang mga magulang ng di pinakilalang biktima sa kanilang opisina para maaresto ang nasabing suspek.

Una nang nakontak ng biktima ang suspek noong Mayo 5 para kunin ang serbisyo niya at ihatid siya sa isang kaibigan niya sa Pasay. Ngunit sa pangalawang beses, ay imbes na ihatid siya sa kanilang bahay, ay dinala ang biktima ng suspek sa isang motel sa Pasay City noong Mayo 7.


Pwersahan umanong dinala ni Castino ang dalagita sa loob ng nasabing motel.

Lumipas muna ang dalawang araw bago ipinag-alam ng biktima sa kanyang mga magulang ang nangyaring panghahalay sa kanya. 


Pagkatapos na arestuhin ang suspek, agad siyang iniharap ng NBI sa Pasay City Prosecutor's Office para sa kasong acts of lasciviousness, paglabag sa Revised Penal Code (RPC) at Republic Act No. 7610 ( Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination). —Tacloban News Update/Tagalog (Source: Phil Star/Manila Bulletin)
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related