Mister na minasahe ang buntis na asawa sa publiko, nagpaantig sa puso ng mga netizen

(Screencap mula sa Facebook.)

VIRAL — Labis nga naman ang pagmamahal ng isang mister sa kanyang buntis na-asawa, kaya naman minasahe niya ang pagod na paa nito kahit man sila ay nasa publiko. 

Kinaantig ng puso ng mga netizen ang pinakita ng mister na pag-aaruga sa kanyang asawa dahil sa gitna ng pakaraming tao, ay nakuha niyang masahiin ito na nagpapakita na handa siyang pagsilbihan ang kanyang pinakamamahal anumang oras at kahit saan pa man.

Sa post ng Facebook page na Boiling Waters, bagama't hindi sinabi ang pagkakakilanlan ng ng dalawa ay makikita naman sa video na nakunan sa isang MRT/LRT Station sa Metro Manila na labis ang pagmamahal ng mister para sa kanyang asawang ilang buwan nang buntis.


Sa partikular na video, ang lalaki ay nakaupo sa sahig habang binibigyan niya ng masahe ang pagod na mga paa ng kanyang asawa.

Habang ang ilang mga netizen ay hindi gaanong natuwa at sinabi pang 'walang espesyal'  sa nangyari at OA lang daw ang babae, mapapag-alaman na sa pagdadalang tao ng kababaihan ay madali silang mapagod lalo na sa mga aktibidad na tulad ng paglalakad o kahit sa simpleng pagtayo lamang. Dahil sa kanilang pagbubuntis ay lubos na naapektuhan ang kanilang mga binti.

Ang ilang mga kababaihan na buntis ay nakakaranas din ng mga cramp sa paa kahit pa sila ay nakatayo lamang. Ito ang dahilan kung bakit kailangan bigyan ng priyoridad ang mga buntis sa pila.


Kahit ganunpaman ang reaksyon ng iba, ay kinilig naman ang ilan sa mga netizen na napanuod ang naturang video. Ayon sa kanila, swerte ang babae sapagkat ay natagpuan niya ang isang mapagmahal na asawa na hindi nag-aalinlangan na bigyan siya ng pag-aaruga kahit pa sa gitna ng napakamaraming tao.

Kaya nakakatuwa nga namang isipin ang ginawa ng mister para sa kanyang misis. Mapa may cramps pa man, o wala, ay dapat ibinibigay nang isang lalaki ang isangdaang porsyente ng kanyang pagmamahal, at nakakabilib na ginagawa niya ang lahat para maging komportable ang kanyang asawa.


Spotted: Buntis na napagod, minasahe ni mister! Brad, ito gayahin mo. If you love her, serve her! #WayOfTheWarrior

Posted by Boiling Waters on Friday, April 21, 2017

Sa caption ng video, sinulat ng Boiling Waters: "Buntis na napagod, minasahe ni mister! Brad, ito gayahin mo. If you love her, serve her! #WayOfTheWarrior"

Tama nga naman, dahil kung talagang mahal mo siya dapat mo siyang pagsilbihan ng buong puso!

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related