Binata nagpakamatay dahil hiniwalayan ng kasintahan



TACLOBAN CITY – Kamakailan lang, isang binata ang nagpakamatay sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Bool West, Culaba, probinsya ng Biliran.

Ayon kay Pol. Lt. Benigno Avila, Officer-in-Charge ng Culaba MPS, ang pagkakilanlan ng biktima ay si Noel Rosallosa, 21-anyos, at residente ng nasabing barangay.

Dagdag pa niya sa nangyaring imbestigasyon, mismong ina ng biktima ang nakakita sa kanya na wala ng buhay sa kanyang kwarto.

Sinasabi na ang dahilan ng pagkitil ng binata sa kanyang sarili ay dahil sa problema sa kanyang buhay-pagibig o lovelife sapagkat hiniwalayan siya ng kanyang kasintahan kaya naman nakuha niyang gawin ang di inaasahan bagay.

Wala namang nakitang foul play ang mga kapulisan sa nasabing insidente. iTacloban

-------------------------------------------------------------------------------------

Kung meron man kayong mga problema o hinanakit sa buhay hindi solusyon ang pagkitil sa sariling buhay, kaya maaari namang tumawag sa mga numerong ito kung kailangan niyo ng makakausap:

I. National Institute for Mental Health

0917-899-USAP (8727) 
0917-989-8727

II. In Touch Philippines 

+63 2  893 7603 (Landline)
+63 917 800 1123 (Globe)
+63 922 893 8944  (Sun)

III. Philippine Red Cross

24/7 suicide prevention hotline, toll-free HOPELINE 2919 (for Globe & TM Subscribers)
091 7558 4673  or  8044673

IV. Manila Lifeline Centre 

Hotline: (02) 8969191
Mobile phone: 0917 854 9191

V. NCMH Crisis Hotline

0917-899-8727
0917-899-USAP

iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related