Pokpok binugbog ang kustomer dahil hindi nagbayad ng karagdagang P1,000

Bugbog sarado ang isang lalaki sa Agusan del Sur pagkatapos na hindi magbayad ng P1,000 na dagdag-bayad sa isang pokpok. Imahe mula sa Mahayag News/Facebook

NEWS — Malaki ang pagsisisi ng isang lalaki sa Agusan del Sur pagkatapos na bugbugin siya ng isang pokpok dahil hindi niya ito nabigyan ng karagdagan na bayad para sana sa ligayang mararanasan niya.

Ayon kay alyas Magdalena, protocol niya umano sa kanyang mga kustomer ang "no additional money down, walang panty down," kaya naman nakuha niyang bugbugin ang lalaki.

Sinabi naman ng kustomer na si alyas Toto sa Mahayag News, na kinumbinsi lang daw siya ng bugaw na sapat na ang kanyang P500 para makatikim siya ng ligaya sa piling ni Magdalena.


Pumayag naman umano si Toto sa promo ni Magdalena at noong nagkita na ang dalawa, sa loob ng isang kwarto, ay doon na humingi ng dagdag bayad ang bugaw ng P1,000 para matuloy ang kanilang boxing round sa ibabaw ng kama.

Suot na ni Toto ang jacket sa kanyang pagkalalaki nang hingian siya ng pera ni Magdalena, nabigla umano siya dahil hindi naman ganoon ang kanilang napag-usapan.


Hindi na sila nagkaintindihan at gusto nalang umano ni Toto na kunin ang kanyang dinownpayment sa bugaw ngunit hindi ito pumayag at sa halip ay mabibigat na mga suntok nito ang natanggap ni Toto.

Dahil ayaw nga ng bugaw na isuli ang P500, binugbog niya ang kanyang kustomer na nagtamo ng mga pasa. Lumapit agad si Toto sa mga awtoridad sa Agusan del Sur at kumbinsido siya na kasuhan ang bugaw.

Napag-alaman naman na bago mangyari ang insidente ay hinatid muna ni Toto ang kanyang kasintahan at pagkatapos ay nagbakasakali siya na maka-score ng mura sa pokpok na kutis kamatis. —Tacloban News Update (Source: Mahayag News)
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related