Bagong silang na sanggol, iniwan sa isang terminal, patay

 
Patay ang isang bagong silang na sanggol pagktapos na iwan ito sa isang passenger terminal sa Lapu-Lapu City noong Lunes ng hapon, Hunyo 7.

TACLOBAN CITY — Isang bagong silang na sanggol ang nakita sa loob ng isang jeep noong Lunes ng hapon, Hunyo 7, sa Pajo Terminal, syudad ng Lapu-Lapu, Cebu.

Iniwan ang sanggol na nakassilid sa isang karton. Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa pagkakilanlan ng ina o sa mga nakakilala sa nag-iwan sa kanyan sa isang  passenger terminal sa nasabing syudad.


Kinondena naman ng mga netizen ang pangyayari. Ayon sa Lumad Times, "Kung kinsa man gani ka, unta madutlan kas imong konsensya. Himsog ug gwapa ning imong anak pero imo lang ge sayangan. Unta makatog kag ga hayang. [Kung sino ka man, sana makonsensya ka. Malusog at maganda ang iyong anak pero sinayang mo lang. Sana makatulog ka pa!]"

Ayon naman kay Wp Mysshaw: "Jusko! Sana una pa lang pinalaglag mo na lang ate kesa naman bubuhayin mo tas papabayaan mo lang din naman. Hindi mo ba naisip yung sakit na nararamdaman nung bata??"



 "Sobrang ramdam niya yung sakit na itinapon mo cya, isinilid sa sako at iniwan lang kung saan. Binuhay mo cya sa mundo, pinakita mo sa kanya yung mundo mo pero nagdudusa naman siya sa sakit," dagdag niya.

Komento naman ni Maria Anggo: "Why naman kelangan ganito kung gusto lang din naman iwan nang ganyan sana hinanapan man lang nang kukopkop. Edi sana nabuhay pa yung baby. Yung iba gustong magka anak tapos hindi mabigyan-bigyan tapos kayo para wala lang sa inyo na gawin yan sa anak niyo mismo asan yung puso niyo?"



Sa ngayon ay wala pa ring impormasyon kung sino man ang umiwan sa kawawang sanggol. —Tacloban News Update (Source: Lumad Times)
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related