12-anyos na bata, patay pagkatapos na mabaril ng security guard sa Cebu City

(Imahe mula sa Yahoo News)

NEWS — Patay ang 12-anyos na batang mangangalakal pagkatapos na mabaril ng isang gwardya sa isang construction site sa South Road Properties, Brgy. Mambaling, Cebu City noong hapon ng Abril 24, 2021. 

Kinilala ang biktima na si Justine Jay Ferrer, taga sitio Ypil, Barangay San Nicolas, Cebu City. Siya ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang leeg.

Ang suspek naman na si Marelle Belano, 29, ay sumuko kaagad sa pulisya kasunod ng insidente.


Sinabi ng Police Staff Sergeant Renato Baldo, imbestigador sa Mambaling police station, sa SuperBalita Cebu na nagpapatrolya noon si Belano sa compound ng construction site na pinagtatrabahuhan niya nang mapansin niya ang isang pangkat ng mga bata na nagnanakaw ng mga scrap metal sa lugar.

Sinabi ni Belano sa mga imbestigador na nagpasya siyang magpaputok bilang babala sa grupo at upang takutin sila.


Inamin niya sa pulisya na napuno na siya sa pinaggawaga ng mga batang mangangalakal sa pagnanakaw ng mga scrap metal sa kanilang construction site at binato pa umano siya ng mga bata ng tangkain na habulin niya ang mga ito.

Kaya naman ay nagawa niyang paputukin ang kanyang service firearm, ngunit sa halip na magbigay ng babala sa grupo ay aksidente na man niyang natamaan ang isa sa mga bata at nakita niya itong nakahiga na sa lupa at duguan.


Agad naman na dinala ng mga emergency responder ang bata sa Cebu City Medical Center, ngunit namatay siya pagkarating lamang sa ospital.

Sinabi ni Baldo na si Belano ay nakatakdang sampahan ng kasong homicide kaugnay sa Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Law. —Tacloban News Update (Soource: SuperBalita Cebu/Yahoo News)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related