Babaeng budol-budol sa Tacloban, arestado

(Arestado ang isang babae sa Tacloban pagkatapos nitong lokohin ang isang kustomer na bibili sana sa kanya ng cellphone na nagkakahalaga ng P9,000. Photo by Tacloban PNP Station 2 Abucay)

TACLOBAN CITY— Inaresto ng Tacloban PNP Station 2 Abucay ang isang babaeng nagnakaw ng P9,000 mula sa biktima na bibili sana ng cellphone sa kanya.

Ang suspek na si alyas "LYN" ay diumano nag-post sa Facebook na ibinebenta niya ang kanyang Iphone 6 plus na cellphone sa halagang P9,000.

Nakita naman ito ng biktima na si Ederlyn, kaya nag-text siya agad kay alyas "Lyn" na interesado siyang bilhin ang nasabing cellphone.

Nagkita sila ng 10:00 ng umaga, Enero 7 sa labas ng Gaisano Central sa Tacloban para bilhin ang cellphone.


Nagbigay si Ederlyn ng P9,000 sa suspek ngunit hindi binigay sa kanya ang cellphone. Ayon sa kanya,  babalik raw si Lyn makalipas ang dalawang oras.

Tumawag naman muli ang suspek kay Ederlyn dakong 3:30 ng hapon sa parehong araw at kinailangan daw niyang magbayad ng karagdagang P2,000 at magkita sila sa likuran ng SM Savemore.


Doon na humingi ng tulong si Ederlyn sa Tacloban PNP kung saan nagsagawa ang pulisya ng entrapment operation.

Tignan dito ang full report:

STATION 2 COPS NABBED SUSPECT FOR ESTAFA ON AN ENTRAPMENT OPERATION On 4:00 in the afternoon of January 7,...

Posted by PS Abucay on Thursday, January 7, 2021
Nakipagtagpo ulit si Ederlyn sa suspek upang  ibigay ang dagdag na P2,000. Matapos maabot ang P2,000 sa suspek, dumating naman ang mga pulis at hinuli siya.

Kakasuhan ang suspek ng kasong estafa at sakaluyukang nakakulong sa lock-up cell ng Tacloban PNP.  iTacloban (with reports from Tacloban PNP Station 2 Abucay)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related