Alagang aso ng isang señior citizen sa Alangalang, Leyte, pinagtataga, pananim at bahay sinira

(Screencap mula sa Facebook.)

TACLOBAN CITY -- Nanawagan ngayon ng tulong si Tatay Cipriano Luazon ng Barangay Mudboron, Alangalang, Leyte dahil sa ginawa sa pinakamamahal niyang alagang aso, na pinagtataga kasama na ang kanyang bahay at mga tanim.

Ayon sa post ng radioman na si Larry Portillo, na pinadala sa kanya ni Re Myvie Abatias, humihingi ng tulong si Luazon dahil sa hindi makataong ginawa sa aso at mga ari-arian nito sa mismong araw ng Pasko, December 25, 2020.



Dagdag pa sa naturang post na walang awa na pinagtataga ang kanyang aso, pati na ang kanyang tanim na saging at sinira naman an kanyang bahay. Labis naman daw ang kalungkutan ng matanda sapagkat pinakamamahal niya ang aso at siya nalang ang kasama nito dahil nag-iisa na lamang siya sa buhay.

Kahit may kalabuan na ang kanyang mata at hindi na masyadong nakakarinig, ay nagagawa pa rin niyang bilhan araw-araw ng sardinas ang kanyang alagang aso sapagkat alagang-alaga niya ito. Kaya naman hindi niya matanggap ang ginawa sa kanyang alagang aso.


Tignan dito ang naturang post:


From my inbox!

Kaluoy ni Tatay Cipriano han Barangay Mudboron, Alangalang Leyte
Sana po mabuligan han LGU Alangalang hi tatay Cipriano.

Maupay na pasko ngan maupay na aga Sir Larry.

Sir mayda ngadi nga usa na panhitabo na diri nagad buruhaton hin usa na tawo, tungod hit ira binuhat naging masulob-on an pasko han usa na tawo. 

Nakadi ini hiya Sir kanina hin aga haamon na nayakan na "Ma'am buligi gad ako" tungod nga gin tarutadtad an iya ayam ngan gin pulod an iya tanom nga mga saging ngan gin ruba an iya balay. Duro an iya ngoy-ngoy mahitungod na ini na ayam in asya nala it iya kaupod, kay nag uusahan nala ini hiya. 

Siring pa niya iya ini pinaurahan, dinadad-an hin karaon ngan pinapalitan hin tinapa. Ini hiya he Tatay Cipriano Lauzon, na nag uukoy dd ha Barangay Mudboron, senior Citizin na ini hiya, baga harap na ngan di nagud nabati. 

Hinaot unta Sir na matagan hin insakto na kabatunan ini na nanabo haiya, makaradlok gihapon kay bangen hiya balikon niyan na gabi ngan kun ano la it matabo haiya. 
Damo salamat Sir!

Re Myvie Abatias


(Si Tatay Cipriano pagkatapos na tulungan ng mga netizen.)

Malaki naman ang pasasalamat ni Abatias sa mga gustong tumulong kay Tatay Cipriano, ayon sa kanyang komento.


Dagdag pa ni Abatias ay gumagawa na ng paraan ang mga lokal na opisyal ng Brgy. Mudboron para malutas ang naturang pangyayari. Kinupkop naman niya pansamantala si Tatay Cipriano sapagkat wala na siyang matitirhan.  iTacloban

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related