14-anyos pinutolan ng kamay, kapatid na 3-anyos pinatay ng sariling ama

 
(Larawan galing sa Facebook page ng Bohol News Flash)

NEWS — Putol ang dalawang kamay ng isang 14-anyos na dalaga at napatay ng kanyang ama-amahan ang sariling anak na 3-anyos, na kapatid ng biktima, pagkatapos na pinagtataga ito sa Purok 7, Brgy. Estaca, Pilar, lalawigan ng Bohol pasado alas 9:30 ng gabi, araw ng Biyernes.

Ayon kay Police Staff Sergeant Joel Tado ng Pilar Police Station, ang mga biktima ay mga menor de edad na babae at residente ng nasabing barangay.

Dagdag pa ni Tado na habang natutulog ang mga biktima at ang ina na si Laura, 30-anyos, bigla lang kumatok ang suspek na si Rufino Ibañez, 31-anyos (ama-amahan ni Joy), pumasok umano ang suspek at bigla nalang pinagtataga ang katorse anyos na anak-anakan na si Joy gamit ang isang itak o sundang na may haba na 22 pulgada.

Ayon pa kay Tado, ginamit na panagang ng biktimang si Joy ang kanyang mga kamay kaya naman naputol ang kanyang dalawang kamay. Dagdag pa niya, tinaga naman ng walang awa ng kanyang ama-amahan ang sarili nitong anak na si Leira Jean, 3 anyos, kung saan tumama ito sa kanyang tiyan.

Sinuguro naman daw ang ina nilang si Laura na hawakan ang suspek gamit ang sariling kamay habang pinagtataga ni Ibañez ang mga anak nito. Sa awa ng Diyos, ay hindi naman nadamay ang dalawa pang sanggol na anak ng suspek.

Pinaliwanag ni Tado na lasing ang suspek ng mangyari ang nakakagimbal na insidente. Sinabi pa niya na meron galit si Ibañez sa mga biktima pati sa kapatid nito. Pagkatapos ng pangyayari, ay may bitbit na kutsilyo ang suspetsado at sinaksak niya ang kanyang sarili.

Agad naman daw na tumawag ng tulong ang kanilang ina sa mga kapitbahay para merescue sila at mahatid sa Carmen Hospital. Hindi nagtagal ay nilipat sila sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital para gamutin ang 3-anyos na bata na si Leira Jein para mailigtas ito.

Nangyari ang nasabing insidente noong Nobyembre 7 at kakalabas pa lang ng batang si Joy sa hospital. Binurol naman at linibing ang kanyang nakakabatang kapatid noong nagkaraang linggo pagkatapos na hindi nito makayanan pang mabuhay dahil sa labis na dinanas nito sa kanyang sariling ama. iTacloban
iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related