Lalaki pwersahang ikinasal sa kambing pagkatapos mahuli sa ginagawang kababalaghan

(Image mula sa Viral News Network.)

WEIRD NEWS — Isang lalaking South Sudanese na nagngangalang Charles Tombe ang pwersahan na ipinakasal sa isang kambing pagkatapos na mahuli itong may ginagawang kababalaghan sa naturang hayop.

Nangyari ito noong taong 2006 kung saan ayon sa may-ari ng kambing na si Ginoong Alifi, nagulat siya sa kanyang nakita kaya naman agad niyang hinuli si Tombe at dinala sa isang 'council' para ipakasal siya sa kanyang alaga na may pangalang "Rose."



Napag-desisyunan naman ng naturang konseho, na binubuo ng mga nakakatanda sa kanilang village o baryo, na magbayad si Tombe ng 15,000 dinar (o $50 noong 2006) sa may-ari ng kambing para sa kanilang pagpapakasal.


Related: Dalawang bata nagpakasal sa palaka, isa naman nagpakasal sa kambing



Binayaran naman ni Tombe ang may-ari at pinakasalan niya ang kambing.


Sa kuwento ni Alifi sa Juba Post, sinabi niya na may narinig siyang malakas na tunog noong dis-oras ng gabi at nagmadali siya na lumabas sa kanilang bahay at doon niya nahuli sa akto si Tombe na may ginagawang kababalaghan sa kanyang alaga.


(Ang mga kambing ay isa sa mga pinakaunang hayop na inalagaan ng mga tao siyam na libong taon na ang nakakalipas. Imahe mula sa Pikrepo. Creative Commons) 

Nang bigla niya itong sinugod at tinanong, nagulat si Tombe at nahulog sa pagkakapatong sa kambing kaya naman agad niya itong hinuli at ginapos.



Pagkalipas ng isang taon ay namatay ang pinakasalang kambing ni Tombe dahil nabalutan ang mukha nito ng isang plastic bag na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.


Related: Kambing sa Davao City pinaniniwalaang ginahasa



Noong 2013, tuluyan namang binago ng South Sudan ang kanilang batas para maiwasan ang mga pangyayaring pagpapakasal sa mga hayop. Wala namang bagong balita kay Tombe at kung ano na ang ginagawa niya ngayon. iTacloban

iTacloban

iTacloban is a web-based project in Tacloban City, Philippines. We aim to provide the latest guides, news, updates, and digital content across Eastern Visayas and the Philippines. For business promotions or partnerships, you may email us at itaclobanph@gmail.com. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post

Recent Posts

Related