Taga-Eastern Samar solong napanalunan ang P20 milyon jackpot ng 6/42 Lotto draw

 

(Creative Commons, Pixabay)

Tacloban City, Philippines - Nag-iisang napanalunan ng taga Eastern Samar ang lotto jackpot ng "6/42 draw" noong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Pinili ng nasabing manlalaro ang anim na digit na may kombinasyong 13-42-03-31-02-22, kung saan napanalunan niya ang kabuuang gantimpala sa jackpot na P20.4 milyon.


Dalawampu't limang (25) iba pang mga manlalaro ang nanalo naman ng tig-P24,000 para sa paghula ng lima sa anim na numero, ayon sa PCSO general manager na si Royina Garma.


Ang 6/42 Regular Lotto ay linalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng gabi.


Samantala, wala pa ring nananalo sa 6/45 Mega Lotto draw noong nakaraang Biyernes, na mayroon nang kabuuang  jackpot na P100.35 milyon.


Dalawampu't pitong (27) bettor naman ang nagwagi ng tig-P32,000 ng mahulaan ang lima sa anim na kombinasyon na 15-11-38-27-21-20.


Ang 6/45 Mega Lotto ay linalaro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. iTacloban

iTacloban

iTacloban aims to help people by providing the most recent educational content such as online guides, tutorials, news, updates, and digital content from the Philippines and around the world. Email us at itaclobanph@gmail.com for business promotions or partnerships. facebook twitter email

Post a Comment

Previous Post Next Post